Anonymous asked: Natawa naman ako dun, Gail.
Basta ang pakatatandaan mo ay... huwag kang susuko kung alam mong ang iyong pagmamahal ay busilak at walang hinihinging kapalit. Kaunti na lamang ang mga taong kayang magmahal na parang kapatid o ina. Basta alam mong malinis ang iyong hangarin ay magiging maayos ang lahat.
Alam kong nasasaktan ka sa mga nangyayari, at hindi kita hinahatulan kung mayroon ka mang nagawang kamalian noong una. Tao ka lamang, at ginawa mo lang ang akala mong makabubuti sa iyong pakiramdam.
Alalahanin mo sana ito, anak.
- Bro
Tsismoso ka talaga, Bro. XD
Pero sa totoo lang po, hindi ko talaga alam ang dapat kong gawin, kaya nga po hindi na lang ako nagsasalita at hindi ko rin po iniisip sa ngayon na may problema, dahil hindi po talaga maganda ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw. = =
Tatandaan ko po ang lahat ng sinabi ninyo, bro! :D